Iprinoklama ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations sa pulong noong Mayo 2007 ang 2008 bilang Pandaigdigang Taon ng mga Wika. Bilang pagkilala sa tunay na multiliggwalismo na nagtataguyod ng pagkakaisa at pandaigdigang unawaan.
Kinilala ng United Nations ang pagtataguyod ng multilinggwalismo bilang isang paraan ng pagpapaunlad, pangangalaga at pagpapanatili ng pagkakaiba ng mga wika at mga kulturang global. Binigyan diin ang higit na halaga ng pagkakapantay-pantay ng anim na opisyal na mga wika ng Organisasayon (Arabik, Tsino, Ingles, Pranses, Ruso at Espanyol).
Iniharap ng kinatawan ng Pransiya ang resolusyon (kasama sa dokumentong A/61/L.56) na magtitiyak ng global na lapit sa multilinggwalismo at magpapaunlad ng makatwirang pananaw ng multilinggwalismo sa United Nations. Ito’y makatutulong na tiyakin ang pagtalima sa mga panuntunan ng multilinggwalismo sa pang-araw-araw na mga gawain ng Organisasyon at sa unang pagkakataon, ay magbibigay-diin sa halaga ng paglalaan ng tulong teknikal at pagsasanay sa lokal na mga wika ng makikinabang na mga bansa. Mensahe ni Koichiro Matsuura Direktor Panlahat ng UNESCO.pdf
Comments (0)
You don't have permission to comment on this page.