SA BISA NG KAPANGYARIHAN NG PANGULO NG PILIPINAS
PROKLAMASYON BLG. 964
IPINAHAHAYAG NA ANG IKALAWANG ARAW NG ABRIL AT TAUN-TAON PAGKARAAN NIYON AY ARAW NI FRANCISCO “BALAGTAS” BALTAZAR.
SAPAGKAT, ang ika-209 kapanganakan ni Francisco “Balagtas” Baltazar na kinikilalang “Prinsipe ng mga Makatang Tagalog” ay sa Abril 2, 1997.
SAPAGKAT, sa pamamagitan ng kanyang obra maestrang “Florante at Laura” at iba pang kahanga-hangang akdang pampanitikan, isa siya sa mga unang bayani na nagkintal ng diwa ng pangkamakabayan ng mga Pilipino;
SAPAGKAT, angkop na parangal kay Francisco Baltazar na gunitain siya sa kanyang kaarawan at magsagawa ng mga pambansang programa at gawain sa karangalan niya;
DAHIL DITO, AKO SI FIDEL V. RAMOS, Pangulo ng Pilipinas sa bisa ng mga kapangyarihan kaloob sa akin ng batas, ay nagpapahayag na ang ikalawang araw ng Abril taun-taon pagkaraan niyon ay araw ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
Sa pamamagitan nito, ang Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports at ang Komisyon sa Wikang Filipino ay inaatasang magsagawa ng nararapat na mga gawain at programa sa buong bansa bilang paggunita sa taunang pagdiriwang.
Tinatawagan ko ang lahat ng mga mamamayan at mga residente gayun din ang mga institusyong pribado at publiko na masiglang lumahok at ibigay ang kanilang lubos na pakikiisa sa pagdiriwang na ito.
BILANG KATUNAYAN, ako ay lumagda rito at ipinakintal ang tatak ng Republika ng Pilipinas.
Ginawa sa Lungsod ng Maynila, ngayong ika-11 ng Pebrero sa taon ng Ating Panginoo, labinsiyam na raan siyamnapu’t pito.
Sa bisa ng kapangyarihan ng Pangulo.
(Lgd)FIDEL V. RAMOS
(Lgd)RUBEN D. TORRES
Kalihim Tagapagpaganap
Comments (0)
You don't have permission to comment on this page.