---
Resolusyon Blg. 2-92
NAGPAPATIBAY NG KAUKULANG MGA HAKBANG PARA SA
IMPLEMENTASYON NG MGA KAPANGYARIHAN, MGA GAWAIN
AT TUNGKULIN NG KOMISYON
IPINAPASYA, GAYA NG GINAGAWANG PAGPAPASYA NGAYON, na sa layunin ng implementasyon ng mga kapangyarihan, mga gawain at mga tungkulin ng Komisyon, pinagtitibay ang mga sumusunod:
1. Pagbuwag sa puwestong Puno ng Dibisyon at sa halip nito’y ipinapalit ang puwestong teknikal na Koordineytor para sa takdang panahong 2 o 3 taon;
2. Pagpapahayag na ang lahat ng personnel ay pagkakalooban ng kailangang appointment alinsunod sa mga probisyon ng batas; at
3. Pagpapatibay sa pagbabago ng pangalan ng mga pakilusang dibisyon, tulad ng sumusunod:
Dibisyon ng Pananaliksik
at Pagpapaunlad
Dibisyon ng Linggwistika
Dibisyon ng Leksikograpiya
Dibisyong ng Leksikograpiya
Dibisyon ng Pagsasaling-wika
at Panitikan
Dibisyon ng Pagsasaling-wika
Dibisyon ng Preserbasyon
at Promosyon
Dibisyon ng mga Publikasyon at Promosyon
Dibisyon ng Iba Pang mga Wika at Panitikan
Dibisyong Pampangasiwaan
Dibisyong Pampangasiwaan
Pinagtibay ngayong ika-10 araw ng Hunyo, 1992
(Lgd.)PONCIANO B.P. PINEDA
Tagapangulong Komisyoner
(Lgd.)ERNESTO H. CUBAR
Komisyoner
(Lgd.)NITA P. BUENAOBRA
Komisyoner
(Lgd.)ANDREW B. GONZALEZ
Komisyoner
(Lgd.)FLORENTINO H. HORNEDO
Komisyoner
(Lgd.)ANGELA P. SARILE
Komisyoner
(Lgd.)BONIFACIO P. SIBAYAN
Komisyoner
Comments (0)
You don't have permission to comment on this page.