---
Resolusyon Blg. 3-92
IPINAPASYA, GAYA NG GINAGAWANG PAGPAPASYA NGAYON, na italagang Sentro ng Pagsasalingwika ang Komisyon sa Wikang Filipino, alinsunod sa itinatakda ng Batas Republika Blg. 7104, Seksyon 14, talataang (f), na:
“gaganyak sa pamamagitan ng mga insentibo, magsasagawa at masiglang magtataguyod ng pagsasalin sa Filipino ng mahahalagang akdang historical at tradisyong kultural ng mga grupong etnolinggwistiko, mga batas, at resolusyon at iba pang mga aktang lehislatibo, executive issuances, mga pahayag na pampatakaran ng pamahalaan at mga dokumentong opisyal, mga teksbuk at mga materyales na reperensya at iba-ibang disiplina at iba pang mga dayuhang materyales na maaaring ipasyang kinakailangan sa edukasyon at para sa iba pang mga layunin”
tungo rito, ang Komisyon ay mananawagan sa lahat ng kinauukulang indibidwal at organisasyon/institusyon na mangyaring magsubmit dito ng mga kopya ng naisalin nilang mga aklat, pamplet, o ano mang materyales at babasahin upang matipon at sistematikong maisasinupan sa Komisyon.
(Lgd.) PONCIANO B.P. PINEDA
Punong Komisyoner
(Lgd.) ERNESTO H. CUBAR
Komisyoner
(Lgd.) ABDULMARI A. IMAO
Komisyoner
(Lgd.) NITA P. BUENAOBRA
Komisyoner
(Lgd.) TERESITA G. MACEDA
Komisyoner
(Lgd.) ANDREW B. GONZALEZ
Komisyoner
(Lgd.) ANGELA P. SARILE
Komisyoner
(Lgd.) FLORENTINO H. HORNEDO
Komisyoner
(Lgd.) BONIFACIO P. SIBYAN
Komisyoner
Comments (0)
You don't have permission to comment on this page.