Bisyon at Misyon


 

Bisyon ng KWF/CFL, na maging sentro ng kapantasan sa mga wika at panitikan ng mga Pilipino. Misyon ng KWF na paunlarin, palaganapin at panatilihin ang mga wikang ginagamit ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan. Tungkulin ng KWF na magsagawa, mag-ugnay at sumuporta sa mga makabuluhang pananaliksik at pag-aaral na pangwika at pampanitikan na nasa wikang pambansa, panglokal, o pang-ibayong dagat. Kinikilala ng KWF ang kahalagahan ng mga wikang ito para sa kultura, edukasyon at iba pang layuning intelektuwal; pagkakakilanlan at etnisidad; pakikipagtalastasan sa loob at labas ng bansa; pag-unlad na pang-ekonomiya; at kaisahan at katatagang pampulitika.