V. PAMBANSA AT REHIYONAL NA KUMPERENSYA, SEMINAR, WORKSYAP, AT KONGGRESO
Itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino ang mga pagpupulong tulad ng mga komperensya, seminar, worksyap, asambleya at konggreso na mayroong detalyadong programa ng mga gawain at mga ispeker na may inihandang papel para sa nabanggit na pulong. Ang mga pagpupulong na ito ay makatutulong sa paglutas ng mga suliranin at mga isyung may kaugnayan sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas.
A. Pagpapakahulugan ng mga Termino
• Komperensya - Sa pulong na ito inihaharap ng mga eksperto ang mga bagong pananaliksik, kapasyahan at iba pang isyu ukol sa wikang Filipino at iba pang mga wika sa Pilipinas.
• Seminar – Pagpupulong na mayroong mga panayam at talakayan na naglalayong madebelop, madagdagan at mapataas ang kaalaman sa wikang Filipino higit lalo na sa pagtuturo nito.
• Worksyap – Pagpupulong na nagbibigay ng mga pagsasanay sa pagtuturo ng Filipino at iba pang mga wika sa Pilipinas at iba pang kasanayan na may kaugnayan sa pagpapaunlas ng Filipino.
• Konggreso –Pagpupulong ng isa o iba’t ibang sektor pangwika upang maitatag at mapanatili ang network at talakayin ang debelopment at mga isyung nakakaapekto sa pagpapalaganap ng Filipino at makabuo ng mga mungkahi sa patakarang pangwika.
B. Mga Patakaran: Isasaalang-alang ng KWF ang pagpopondo ng mga komperensya, seminar, worksyap at iba pang pagpupulong na
1. Nakapag-aambag sa pagpapaunlad ng kaalaman at propesyonalisasyon ng mga taong nasa larangan ng wika (guro sa Filipino, mananaliksi-wika, atbp).
2. Nakapagbibigay ng mga iskolarling pag-aaral na magpapayaman sa panitikan at wikang Filipino at iba pangmga wika sa Pilipinas.
3. Nakatutulong sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng panitikan at wikang Filipino.
4. Nakatutulong sa pagtatatag ng interaktibong pamayanan ng mga guro ng wika, mananaliksik-wika , organisasyong pangwika at iba pang makawika na may dedikasyong magpalaganap, magpaunlad, magpayaman at preserbasyon ng wikang Filipino at iba pang mga wika sa Pilipinas.
C. Mga Layunin
Ang layunin ng mga pagpupulong na ito ay dapat nauugnay sa bisyon at misyon ng KWF . Hindi ito dapat duplikado ng anumang naipatupad nang proyekto, itinaguyod man o hindi ng KWF. Ang mga gawaing ito ay dapat mayroong pambansa o rehiyonal na kahalagahan at nanghihikayat ng network at pagkakaisa ng iba’t ibang sektor, organisasyon, institusyon at pangkat pangwika.
Ang maksimum na maaaring ilaan ng KWF sa mga nakasaad na gawain ay limampung porsyento (50%) ng kabuuang halaga.
Ang mga papel na ihaharap o detalyadong balangkas o abstrak ay dapat isumite sa KWF dalawang (2) buwan bago ang aktwal na gawain.
Pangunahing isinasaalang-alang ang kakayahan ng ispeker at kaangkupan ng mga kalahok o awdyens kung kaya’t dapat na isama sa proposal ang deskripsyon ng batayan at proseso ng pagpili.
|
Comments (0)
You don't have permission to comment on this page.