| 
View
 

Makata-Manunulat

Page history last edited by PBworks 16 years, 11 months ago

 

 
 
 
EDGAR CALABIA SAMAR
Ikalawang Gantimpala
Gawad Komisyon sa Sanaysay-Gantimpalang Collantes 2007
 
 
“Tungo sa Pag-awit ng Inadung” na lahok ni Edgar Samar ang nagkamit ng Ikalawang Gantimpala sa idinaos na timpalak Gawad Komisyon sa Sanaysay-Gantimpalang Collantes.

 

Si Edar Calabia Samar ay kasalukuyang nagtuturo ng Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Pamantasang Ateneo de Manila. Tinatapos naman niya ang kaniyang Ph.D. Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas. Nakapagpalathala na siya ng tatlong aklat, kabilang ang Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambuhay, na finalist sa 2007 National Book Award. Nagwagi na ang kaniyang mga tula, futuristic fiction, kuwentong pambata, sanaysay at nobela sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (2002, 2003, 2004), PBBY-Salanga Writer's Prize (2002, 2004), Gawad Surian sa Tula (2004), Gawad Komisyon-Gantimpalang Collantes (2007), at NCCA Writer's Prize (2005). Ilalathala ng UST Publishing House ang kaniyang nobelang Walong Diwata ng Pagkahulog.

 

 


 

 

REUEL MOLINA AGUILA
Mananaysay ng Taon 2007
Unang Gantimpala,
Gawad Surian sa Sanaysay–Gantimpalang Collantes
Isang guro si Reuel sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon. Bukod sa pagiging guro at mananaysay, isa rin siyang makata, kuwentista, mandudula sa entablado, pelikula at radyo, kuwentista sa komiks, editor, manlilikha ng video at organisador sa panitikan at kultura.
 
Apat na beses siyang nagtamo ng UNANG GANTIMPALA sa Don Carlos Palanca Awards for Literature sa iba’t ibang genre sa wikang Filipino. Nagtamo rin ng mga pangunahing gantimpala ang kanyang mga piyesa sa Palihang Aurelio V. Tolentino Playwriting Contest, Cultural Center of the Philippines, Gawad Sagisag, National Council for Culture and the Arts at Timpalak Panitik ng UP. Tumanggap siya ng iba’t ibang parangal at pagkilala gaya ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (UMPIL), Gawad Inang Bayan (PUP), Gawad Emilio Jacinto (DFPL-UP), at Namumukod-Tanging Guro (Philippine Science High School).
 
Awtor si Aguila ng mga aklat na Ligalig at iba pang Dula; Ampalaya, Bonsai, Atbp; at Magdaragat ng Pag-ibig at iba pang Tula ng Pagnanasa.
 
Sa kasalukuyan, si Reuel ang executive director ng samahang Akdang-Bayan, freelance writer, direktor, koordineytor at production manager din siya sa mga pelikula, telebisyon, mga babasahin, dokumentaryo, concerts, audio-visual at mga dulang pantanghalan.
 
Ang nagwaging lahok sa Gawad Surian sa Sanaysay-Gantimpalang Collantes 2007 NOON PA MAN_NANDYAN NA.pdf

Comments (0)

You don't have permission to comment on this page.