Resolusyon Blg 92-1


---

 

Resolusyon Blg. 92-1

 

 

 

NAGLALAHAD NG BATAYANG DESKRIPSYON NG FILIPINO

 

IPINAPASYA, GAYA NG GINAGAWANG PAGPAPASYA NGAYON, na sa layuning maisakatuparan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang mga tungkulin nito, ang batayang deskripsyon ng Filipino ay ganito:

 

 

Ito ay ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng alinmang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang baryedad ng wika para sa iba-ibang sitwasyong sosyal, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang sanligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at matalisik na pagpapahayag.

 

Pinagtibay ngayon ika-13 araw ng Mayo, 1992.

 

 

(Lgd.)PONCIANO B.P. PINEDA

Tagapangulong Komisyoner

 

(Lgd.)ERNESTO H. CUBAR

Komisyoner

 

(Lgd.)NITA P. BUENAOBRA

Komisyoner

 

(Lgd.)ANDREW B. GONZALEZ

Komisyoner

 

(Lgd.)FLORENTINO H. HORNEDO

Komisyoner

 

(Lgd.)ANGELA P. SARILE

Komisyoner

 

(Lgd.)BONIFACIO P. SIBAYAN

Komisyoner

 

 

Mga Patakarang Pangwika